Hi Coach,
Madidisband lang yung team mo kapag nag-negative yung economy mo (around -500k yata ito after mapwersa kang maibenta lahat ng players mo).
Tungkol sa overextension tax, nakabase ito sa difference ng revenue, expenses at training exemption mo (Revenue - Expenses + Training exemption). Ibig sabihin, kapag mas malaki yung expenses mo (katulad ng player salaries, staff salaries, scouting costs at infrastructure costs) kaysa sa pumapasok sa'yong revenue at nakalaan na training exemption, saka ka mapapatawan nito which is 50% ng sumosobrang na expenses mo. The best way to not go over this ay mag-base ka sa salary floor kung hindi ka naman competing. Kung nagko-compete ka naman, try to check yung "Typical weekly net income", kapag positive pa to, pwede ka pang magpasok ng additional players na may sahod na maaaring mas mababa or malapit sa amount na to na makikita sa manage my team page at economy page. Kung negative naman, kailangan mong tingnan yung training exemption mo sa loob ng economy page by hovering sa overextension tax. Yung training exemption mo yung magiging guide kung gaano kalaki yung negative weekly net income na kaya mo pang i-absorb nang hindi ka mapapatawan ng overextension tax.
Ang sweet spot ng arena ay around 20-21k, wala kasing option para mag-demolish or bawasan kapag sumobra ka na. Sa ngayon, nasa 17k ka pa naman kaya pwede mo pang dagdagan yung bleachers at lower tier.
Para naman sa gate receipts, possible reason niyan kaya hindi tumataas ang attendance o nama-maximize yung profit ay dahil mataas yung pricing mo. Mas maigi kung bababaan mo siya, the best help para malaman mo magkano yung estimated price ay through buzzer-manager
(https://buzzer-manager.com/), kung wala ka pa nito, follow mo lang yung instruction about access key na makikita sa settings.
I hope these information helps. Magsabi ka lang kung may further questions ka.
Maraming salamat.