BuzzerBeater Forums

BB Philippines > U21 National Team Speeches

U21 National Team Speeches (thread closed)

Set priority
Show messages by
This Post:
33
325011.2 in reply to 325011.1
Date: 9/17/2024 8:18:32 PM
Laguna Buko Mixers
II.1
Overall Posts Rated:
150150
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Magandang araw sa lahat!

Si Leo ulit ito, at muli akong tatakbo bilang inyong U21 manager/coach sa susunod na dalawang seasons.

Hindi man tayo nakakuha ng slot sa World Cup last cycle, masaya ako na unti-unting nadagdagan ang mga managers na gustong magtrain para sa ating dalawang pambansang koponan. Hindi nyo man nakikita ito, pero nung makita ko ang pool of players sa next batch, sumakit ang ulo ko... dahil sa dami ng pagpipilian. Mararamdaman din ito ng ating NT coach sa mga susunod na seasons ang unti-unting pagdami ng NT prospects. Maraming salamat sa lahat ng mga managers na nakausap ko habang hawak ko ang posisyon na ito. Ipagpatuloy nyo ang pagtetrain at bigyan ng magandang problema ang inyong U21 at NT coaches. ;)

Para sa susunod na cycle, kung ako'y palarin na manalo, muli natin susubukan na makakuha ng ginto at makapasok sa World Cup at ipagpapatuloy ang ating nasimulan. Bukod sa training guide na sana'y nabasa ng maraming managers dito sa Pinas, may isa pang side project tayong sinimulan kasama ang ilang Pinoy managers. Tingin ko ginagawa na rin ito ng ilang bansa, pero pipiliin kong hindi ishare ang mga detalye nito. Ang goal nito ay maparami lalo ang pool of players natin sa U21, lalo na yung mga builds na madalas kulang sa ating roster at yung mga "kakaibang" builds pero malaking tulong sa ating mga laro. Huwag tayong magtataka kung bakit may mga players na mabababa ang sahod na nakakapasok pa rin, malamang "kakaiba" ang build ng player/s na yun. Maraming salamat sa inyo at sa sakripisyo na inyong ginagawa para sa ating U21 team.

Kung matalo man ako, maaasahan nyo pa rin ang aking tulong sa kahit anong kapasidad, lalo na sa pagtetrain ng mga high-quality U21 at NT prospects at sa pag-guide ng mga managers sa pagtetrain.

Muli, maraming salamat at mabuhay tayong lahat!

- Leo

Last edited by Leo (Pilipinas U21 Coach) at 9/17/2024 8:23:21 PM

Message deleted
From: BeatMe
This Post:
22
325011.4 in reply to 325011.1
Date: 9/18/2024 1:38:27 AM
Katipuneros B.C
III.13
Overall Posts Rated:
22
Magandang araw sa inyong lahat,

Ako po si BeatMe at ako'y tumatakbo ngayon bilang kandidato para sa U21 National Coach ng ating basketball team. Sa bawat larangan ng buhay, ang tamang liderato at dedikasyon ay susi sa tagumpay, at ito ang nais kong dalhin sa ating koponan.

Ang basketball ay higit pa sa isang laro; ito ay tungkol sa pagkakaisa, disiplina, at pagsusumikap. Ang ating mga manlalaro ay puno ng potensyal, at bilang coach, layunin kong hubugin ang bawat isa sa kanila upang maging pinakamahusay na bersyon ng kanilang sarili, sa loob man ng court o sa labas nito.

Sa aking karanasan sa larangan ng coaching, natutunan ko ang halaga ng pagtutulungan at komunikasyon. Ang bawat miyembro ng Pilipinas ay may mahalagang papel, at mahalaga na sama-sama tayong magtrabaho patungo sa iisang layunin—ang tagumpay.

Nais kong magpatuloy sa ating tradisyon ng magandang paglalaro at makamit ang mga tagumpay sa international stage. Pero hindi lang ito tungkol sa medalya; ito ay tungkol sa pagbuo ng isang koponan na may puso, at pagmamalaki sa ating bansa.

Kung ako ang inyong pipiliin, ipapangako kong ang bawat laban ay magiging pagkakataon hindi lamang para manalo, kundi para ipakita ang tunay na diwa ng Filipino—matatag, masipag, at puno ng passion.

Maraming salamat po, at sama-sama tayong magtagumpay