BuzzerBeater Forums

BB Philippines > BB-PH Training Simulator

BB-PH Training Simulator

Set priority
Show messages by
This Post:
55
325644.1
Date: 11/28/2024 6:58:44 PM
Laguna Buko Mixers
II.1
Overall Posts Rated:
163163
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Magandang araw sa lahat!

Narito ako upang ishare ang training simulator na matagal ko na ginagawa, mga ilang taon na rin. Isa ito sa mga side projects na ating ginagawa para lalong mapalakas ang kapabilidad natin na magtrain. Ito ay nakabase sa ilang kilalang training simulators, tulad ng Coach Parrot at ang training simulator ni Rhyminsimon. Nakabase rin ang ibang formulas sa mga training guides na aking nakikita, at sa training guide ni Mediocrity na aking pinagbabasehan ng "Elastic Effect". Kung hindi pa kayo pamilyar sa training effect na ito, maaari nyong basahin ang aking training guide sa forum post na ito:
https://www.buzzerbeater.com/community/forum/read.aspx?thr...

Kaya kung itatanong nyo kung ano ang pagkakaiba nito sa ibang simulators, meron, tulad ng formulas at coefficients na ginamit dito, lalo na sa elastic effect, youth trainer at hard cap. May ibang functions din ito tulad ng overriding system na iintroduce ko dito. Sa pamamagitan nito, pwede natin ioverride ang binibigay na resulta ng simulator. Magagamit ito kung:
1. May pop sa simulator pero sa aktwal, wala pa.
2. Walang pop sa simulator pero sa aktwal, meron na.

Ang mga pops na ito ay maaaring epekto ng sublevels at ng tinatawag na cross-training. Hindi natin alam kung saan o kailan lilitaw ang mga ito, kaya gamit ang sistemang ito, mas mapapadali ang pagmonitor ng progress ng ating trainee/s.

Narito naman ang link ng mismong training simulator:
v1.0 (Base Version): https://docs.google.com/spreadsheets/d/1nHT98JOf-8cTIeqPA4...

1. Experimental Values at Formulas para sa youth trainer: Dahil wala pa tayong data tungkol sa youth trainer, gumawa na lamang tayo ng sariling formula para dito. Sa ngayon, komportable ako sa resulta nito, ngunit kapag may lumabas na bagong formula at coefficients para dito, o tingin natin masyadong mabagal o mabilis ang binibigay ng simulator, iuupdate natin ito.

2. Experimental Values at formulas sa computation ng soft/ hard cap: Meron nilabas na impormasyon sa forums tungkol dito na sinasabing may tatlong lebel ang soft/ hard cap, at sa bawat lebel, nababawasan ang training efficiency by 25%. Makikita ang ibang detalye nito sa forum thread na ito: https://www.buzzerbeater.com/community/forum/read.aspx?thr...

Ngunit nabanggit sa forum thread na ito na "dynamic" o magkakaiba ang mga lebel na ito sa bawat player, at walang paraan para makita ito, kaya dito papasok ang pagiging "experimental" nito.

Kailangan idownload ang excel file na ito sa inyong PC, dahil hindi gumagana ang macros sa Google Sheets. Pagka-click ng link, punta kayo sa File > Download > Microsoft Excel (.xlsm)

Pagkatapos, basahin ang mga instructions na nasa Ingles, kung saan mas detalyado nitong ipapaliwanag ang mga importanteng detalye at ang mga dapat gawin.

Kung sakaling hindi natin magamit ang macros sa nadownload nating excel file (Steps para sa Windows 11):
- pumunta sa folder kung saan nakalagay ang simulator file
- right-click natin ang mismong excel file, at i-click ang Properties
- sa "General" tab, i-check ang "Unblock" sa pinakababa

Dito ko rin ipopost sa thread na ito ang mga revisions ng simulator na ito, kung magkaroon man.

At ang pang-huli, kung may mga katanungan kayo tungkol sa simulator na ito, suhestiyon, o mga errors, maaari kayong mag-mail sa akin dito sa BB.

Salamats!

- Leo

Last edited by Leo (Pilipinas U21 Coach) at 11/28/2024 8:02:24 PM

This Post:
11
325644.2 in reply to 325644.1
Date: 11/29/2024 6:13:37 PM
Manila Ice
III.6
Overall Posts Rated:
4040
Good Job Boss Leo!

This Post:
00
325644.3 in reply to 325644.2
Date: 11/30/2024 7:10:52 AM
Laguna Buko Mixers
II.1
Overall Posts Rated:
163163
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Magandang gabi sa lahat!

Pasensya na sa abala, lalo na sa mga nakapagdownload na ng simulator. May minor error tayong nakita tungkol sa "Current Season" at "Current Week". Hindi naman ito makakaapekto sa computations natin, ngunit minabuti ko na rin na banggitin ito sa inyo, baka dito tayo nagbabase kung nasaang week na tayo. Minor lamang ito kaya di na natin kailangan gumawa ng v1.1. Konting edit lang, solb na.

Naedit ko na rin ang excel file na nasa Google Sheets, kung hindi nyo pa naddownload ito.

Para iedit ito, pumunta sa "Trainee Data" tab, at may konti lang tayong babaguhin sa formula ng "Current Season" at "Current Week".

Makikita natin sa orihinal na formula ng "Current Season" at "Current Week" ang DATE(2009,9,5).

https://imgur.com/SCA1WDq

https://imgur.com/DG2wgb3

Gagawin lamang natin itong DATE(2009,8,29). Uurong lamang tayo ng isang linggo.

Makikita sa link sa baba ang magiging kalalabasan nyan, pagkaedit ng formulas. Kung nababasa nyo ito ngayong araw na ito, dapat 12 na ang nakalagay sa current week, mula sa orihinal na 11. 66 pa rin naman ang Current Season pero magkakaroon yan ng epekto sa bandang offseason kung hindi mapalitan.

https://imgur.com/en0ASI1

Yun lang mga boss. Enjoy, maraming salamat, at pasensya na ulit sa abala.

- Leo